Woo-hoo-hoo-hoo
Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang iyong suot at buhok mo’y green
Isang tindahan sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa iyong kagandahan
Naalala mo pa ba noong tayo pang dalawa
‘Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita
Tinawag mo ‘kong walang hiya
Medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayooon
Hey!
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sa’yo
Sana’y hindi nakita
Sana’y walang problema
‘Pagka’t kulang ang dala kong perang
Pambili oooh
Pambili sa mukha mong maganda
Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado
Damit mo’y gawa ni Sotto
Siguro ay malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe
Kasi!
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sa’yo
Sana’y hindi nakita
Sana’y walang problema
‘Pagka’t kulang ang dala kong pera
Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat ‘di ko napansin
Bastos pala ang pamagat
Dali-daliang binuklat
At ako’y namulat sa hubad na katotohanan
Hey!
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sa’yo
Sana’y hindi nakita
Sana’y walang problema
‘Pagka’t kulang ang dala kong perang
Yeah!
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sa’yo
Sana’y hindi nakita
Sana’y walang problema
‘Pagka’t kulang ang dala kong pera
Na pambili oooh
Pambili sa mukha mong maganda
Nasa’n ka na kaya
Sana ay masaya
Sana sa susunod na isyu
Ay centerfold ka na-ha-ha-haah
Woo-hoo-hoo-hooooh
Oooh
Recent Comments