Sa wakas (aay) ay nakita ko na
(Ang aking hinahanap)
Sa wakas (aay) ay nakuha ko na
(Ang aking hinahangad)
Kay tagal ko nang naghintay
At nagsunog ng kilay
Ngayon ay masasabi ko na
Matamis ang tagumpay
Sa wakas (aay) ay nabihag ko na
(Ang aking minamahal)
Sa wakas (aay) ay natapos ko na
(Ang aking sinimulan)
Kay tagal ko nang nagtiyaga
Wala namang nilaga
Sa wakas ay kaya ko nang
Bumangon sa umaga
Oh bakit ba ako pinahirapan ng husto?
Kay dami-daming kumukontra sa bawat kilos ko
Asan na ba kayo?
Tingnan ninyo ako
Hindi n’yo inakala na ako’y mananalo
Pero salamat na rin sa inyo
Sa wakas (aaaah)
Ooohh sa wakas
Ooohh sa wakas
Ooohh sa wakas
Ooohh
Recent Comments