Hoo-ohh Ho-ho-hoo
Hoo-ohh Ho-ho-hoo
Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik
Pupulupot sa leeg mo’t sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo
Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan
‘Di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman
Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka
Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo’y hindi malulubog
Lumiyab ka-aaooaah
Lumiyab
Hoo-ohh Ho-ho-hoo
Hoo-ohh Ho-ho-hoo
Sa gitna ng kadiliman may puwitreng nagmamasid
May nagbabato ng putik ngunit walang mayayanig
Iiyak ang mga batang nahulugan ng kendi
Lahat ng mga problema sa iba sinisisi
Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Itinuring mong kaibigan na pinakamatalik
Leeg mo’y pupuluputan dugo mo’y sisipsipin
‘Pag wala ka nang pakinabang ending mo’y sa bangin
Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo’y hindi malulubog
Lumiyab ka-aaooaah
Lumiyab, lumiyab
Tuwing hating gabi maririnig mo ang huni
Ng mga kaluluwang naliligaw
Lahat ng pera sa mundo
Hindi kayang gawing ginto
Ang huwad na tao
(Ang mga tinig palakas ng palakas)
(Hanggang gumuho ang mga hadlang)
(Ang mga tinig palakas ng palakas)
Hanggang gumuho ang mga hadlang
Saksi ang langit sa lahat ng naganap
Saksi ang langit sa ikalawang yugto
Lumiyab ka-aaooaah
Lumiyab ka-aaooaah
(Sa ngalan ng katotohanan)
Lumiyab ka-aaooaah
(Sa ngalan ng iyong dangal, ang puso mo’t iyong isipan)
Lumiyab, lumiyab
(Ialay mo sa Maykapal)
Lumiyab
Recent Comments